Tuesday, September 20, 2005
` 5:27 PM
i loved you. no, let me change that. i love you. but i am tired. tired of always being strong for you. tired of understanding you. of always trying to make things better for you. and then, you will be the one to ruin every beautiful thing we ever had. why? where did i go wrong? what have i done? or what is it i failed to do? i just wanted the best for you. wanted you to be happy. i wanted to slap you, kick you and smash your head. maybe then you'd realize your mistakes and learn from it. but i didn't. what good would it do? it'll only break your mother's heart. and you're breaking mine as well. tell me, how can i help you? tell me, and you know i'll do it. stop running. face your demons. grow up. Stop making a wreck of your life. i am tired. i just want to sleep and escape from this nightmare you keep on creating... i love you. but i just dont know until when i can hold on... or did i loved you too much?
daneli's whining
|5:27 PM|
2 angel/s dropped by
Wednesday, September 14, 2005
` 3:47 PM
for three days, i got a taste of what its like to be on a morning shift. i swapped schedule with tinay, so my day started at 10am and ended at 7pm. do i like it? hmmn...
well, the work is the same so i don't have any qualms about that. still the same freakin assholes that you need to talk to and have to convince to buy something from us so i could get that freakin conversion rate so i could get my desired sched for the next rotation when in fact i've worked hard for my SA that was supposed to be the only metrics for the Shift bid priority! that was long. deep breath kat... breathe... just breathe.
i was caught off guard for the traffic though. the 15 minute travel time that i usually have for my afternoon shift is now 30-45 minutes on this shift. grabe, sa flyover may traffic! i guess i've been so used of not seeing that huge traffic in EDSA... that part i hate.
but i do love these things:
- my friends are awake! they get to respond to my texts! hurray!
- i get to watch the tv shows at night
- i get to sleep at night
- there's fx, jeep and buses for transpo, tipid pangtaxi!
so would i prefer it now? hmmn... tempting. except for the traffic. besides, will my conversion rate gives me that option to choose a good schedule? that remains to be seen.
daneli's whining
|3:47 PM|
1 angel/s dropped by
` 3:36 PM
hay naku. nakunsumi na naman ako sa isa sa mga calls ko. hindi pala. dalawa sa mga calls ko. kasi isang tao lang naman sya. akala ko malala na yung kausap ko kahapon na nagtataka kung bakit matagal mag-upload ang isang 14MB file... tinalo pa sya ng kausap ko kanina! hindi nya alam paano magselect ng several files para maupload nya at one time! galing talaga! sabi ko select the first file, then hold the shift key and select the next files... ano daw yung shift key? hay naku. sakit sa ulo! nang makita nya, sabi nya hindi daw naseselect yung files, ayaw daw ng FileZilla. naman! sa end ko nagagawa ko. palagay ko din nagagawa yun ng mga tao sa hosting team! di ko alam kung wala lang talaga ako pasensya o sya ang may problema! finally, nakaconnect sya at nag-aupload na. gusto ba naman na tingnan ko daw kung nandun na sa server. nampucha naman! kakastart lang nun ha? di ko naman nakikita screen nya noh! so sabi ko. it might take a while... call us back. ayun, tumawag nga, ang ganda ko talaga at ako na naman nakausap nya! so diskusyon na naman kami. sabi pa, "are you documenting your calls? i've been calling several times already! you can check that. are you even talking with each other?" grrr.... pero sige, hinga ng malalim. kausapin ng maayos. ganda ng buhay...
oo nga pala sir, eto and shift key:
daneli's whining
|3:36 PM|
0 angel/s dropped by
Friday, September 09, 2005
` 4:51 PM
I miss you. I don't understand how cause i was just with you. There are times i just want to hug and kiss you but couldn't. Often, i just want to be with you, hold your hand in mine or run my hands through your hair. You never seem to notice but i hate it when you ask other people to join us. You see, i want it to be just the two of us. You and me. But i never told you that. You wouldn't understand. And it would scare the hell out of you. You're my bestfriend's girlfriend.
********
an attempt to tell a story in a hundred words...
this is a guy's point of view... kasi po nalilito mga tao. kala nila story ko. fiction po eto!
daneli's whining
|4:51 PM|
3 angel/s dropped by
Sunday, September 04, 2005
` 2:38 AM
lumaki ako na ako ang ate ng lahat. ng kapatid ko. ng mga pinsan ko. maging ng mga kaibigan at kaklase ko. ate len ng lahat. pati nga nanay ko minsan ate tawag sa 'kin.
ako ang nagbabantay sa kapatid ko, nag-aalaga sa mga pinsan kong mas bata sa 'kin. takbuhan ng mga kaibigan ko pag may problema. tagapakinig. tagabigay ng advise. lahat ng di nila kayang gawin, dapat kaya ko. magawa ko. madalas, ginagawa ko naman.
ako ang official worrier ng barkada. ako ang nagwoworry kung naka-uwi ba lahat ng maayos after ng gimik. o kung kumain ba lahat. pag merong may sakit, ako pa rin ang resident nurse.
in short, ako ang ate, nanay at taga-pag-alaga ng halos lahat ng taong nasa paligid ko.
dahil dyan, nasanay ako na hindi umasa kahit kanino. pag may school project, ako ang gagawa lahat. research, writing, editing. pag may exams, ako din gagawa ng reviewer ko at hahanap ng sample exams. ng mag-college ako, ako lang ding mag-isa. sa boarding house ko na nakilala ang mga boardmates ko. grocery ko, laba ko, luto ko. pag may problema, malalaman lang ng nanay tapos na ang anumang problema. minsan, nagugulat pa sila pag sinasabi ko na may problema ako. dahil dun, madalas sinasarili ko na lang lahat ng problema at sama ng loob na nararanasan ko. ang nakikita lang nila, ang mga ngiti ko. ako pa din ang ate len na takbuhan ng lahat. laging nandyan, nakangiti.
hanggang dumating ka. hindi ko na maalala kung paano at kelan nagsimula ang pagkakaibigan natin. basta, nagising na lang ako isang araw na bahagi ka na ng buhay ko.
kung dati, ako lang palagi ang nag-aalala, ngayon may nagtatanong na kung kumain na ko. kung kumusta araw ko. may tumatawag gabi-gabi para tanungin kung anong oras ako umuwi, kung anong ginagawa ko.
nagugulat na nga lang ako na may lunch na pala ko. kasi bumili ka na para sa 'kin. o may copy na ko ng reading materials kasi pinaphotocopy mo na. minsan ngang mag-outing tayo, nagulat na lang ako ng kunin mo mga gamit ko para wala akong dala-dalang mabigat na bag.
palagi kang andyan. taga-bukas ng pinto. tagabitbit ng gamit ko. naka-alalay sa pagsakay sa sasakyan. palagi ka pang may pasalubong sa 'kin pag-umuuwi ka sa probinsya nyo.
naalala ko nung birthday mo, lumabas buong barkada, pero di ako nakasama. dahil dun, di ka pumayag na di tayo lumabas na tayo lang. ayun, napagastos ka pa tuloy. well, sa mall lang naman. dinner at movies. pero alam mo ba na yun ang unang beses na lumabas ako na matatawag kong date? hinatid mo pa nga ako sa boarding house pagkatapos ng movies kahit na umuulan at nasa south ang bahay nyo at nasa north kami.
dahil sa 'yo, nalaman ko na masarap pala na ikaw naman ang inaalagaan. yung sa 'yo may nag-aalala. pag kasama kita, pakiramdam ko ligtas ako palagi. na kahit anong mangyari, may kasama ako. may taong pwedeng maging malakas pag naghihina na ko. na may sasalo sa 'kin pag hindi ko na kaya.
madalas, hinahanap na kita. nangingiti ako pag tumatawag ka. kahit nakatalikod ka kilala na kita. malayo ka pa lang alam ko na ikaw yun. mahal na nga ata kita...
pero tulad ng di ko alam kung pano ka dumating sa buhay ko, bigla ka ring nawala. nung una, di ko napansin. tapos, bigla na lang, wala ka na. may nagawa ba ko?
napagod ka na ba sa pag-aalaga mo sa 'kin? asan ka na? nakakainis ka. sabi mo palagi kang nandyan. di mo ko iiwan. pero bakit ngayon mag-isa na naman ako?
nakalimutan ko na paano mag-isa. sinanay mo kasi ako na andyan ka. kelangan ko na naman matutong mag-isa. sabagay, kaya ko naman yun. yun naman talaga ang ginagawa ko bago ka dumating sa buhay ko. ang mahirap lang, mahal na kita...
daneli's whining
|2:38 AM|
6 angel/s dropped by
Thursday, September 01, 2005
` 5:32 PM
here you are again. it's your season. as early as today, i feel your presence... the excitement, the anticipation, the joyous feeling the you bring with you. the breeze is starting to get a bit colder. the nights getting longer. soon, colorful lights will adorn the streets and houses. cd's and casette tapes with songs for you will be taken out and set to play all day... 116 days to go... and its your day again.

Merry Christmas everyone...
daneli's whining
|5:32 PM|
2 angel/s dropped by
` 12:58 AM
i met you in college. 1st sem ng 3rd year ko. i applied to the org you belong to. di ko alam pano tayo naging close. basta bigla na lang, close na tayo. tinutukso nga nila tayo nung umpisa. pero sabi ko, di talo. sis ko yan e. sis ang tawag ko sa 'yo. ikaw bro. madalas may note ako sa yo sa logbook natin. palaging "sis, musta? miss na kita. i love you sis." alam mo lahat ng tungkol sa kin. ikaw ang confidante ko. adviser. shock absorber din. pag me lakad sa org, sasama ako pag andun ka. share tayo sa food, sa softdrinks pati ice drop! madalas tayo mag-usap sa phone, gabi-gabi telebabad. kahit ang sasabihin ko lang naman e nakauwi na ko. minsan tinanong mo ko bakit late na ko nakauwi. sabi ko, aba para kang girlfriend ko ah! natahimik ka. nagsorry. sabi ko naman wala yun. namimiss ko nga na may nag-aalala at nagtatanong sa 'kin ng ganun. sabi ko pa sa friendship natin walang di pwedeng itanong. lahat pwede. nasanay na nga ang ate ko na madalas ka tumawag sa bahay. pati nga sya naging textmate mo na kasi wala akong sariling cellphone. kahit nga cellphone ng nanay ko ginagamit ko pagtext sa 'yo para lang sabihin kung nasaan ako... lahat ng nangyayari sa buhay ko alam mo. para kang live at walking diary ng buhay ko. minsan, naglalakad tayo sa campus. nakita pala tayo ng ex mo. at sabi nya sa 'yo, di sya makapaniwala na may boyfriend ka na. i know you were hurt. kaya sabi ko, sige let him think i am your boyfriend. tumawa ka. pero ang una mong naisip, pano ang panliligaw ko sa friend mo na friend ng ex mo... summer na yun before my 4th year in college. dapat incoming 4th year ka na rin at pareho tayo ng course pero nalipat ka ng college. nasabi ko sa 'yo na sana dun ka lumipat sa course na malapit pa din sa 'kin. para magkasama pa din tayo. na nangyari naman.
pagdating ng june of the next school year, nagka-girlfriend ako. hindi yung friend mo na pinopormahan ko ng summer. may isa pa kasi akong close friend na girl. parang ikaw. pero mas nauna kami maging close. di ko napansin na in love na pala ko sa kanya. nakakatawa nga kasi tinutukso mo ako sa kanya kahit na nanliligaw ako sa friend mo. sabi mo palagi, "bro, bagay kayo ni michelle..." to which i always tell you, "ano ba 'tine, di kami talo." looking back, you always gave me that knowing smile of yours. na parang mas alam mo pa what i really feel. naging girlfriend ko nga si michelle. after a while, di ko napansin na wala na pala akong time sa 'yo. sa sis ko. but i didn't hear you complain. you took it well. napabayaan ko friendship natin. nagkikita tayo pero hindi na gaya ng dati. kasi lahat ng time ko ke michelle lang at sa relationship namin. pagdating ng sembreak, we all went to tagaytay for a 3-day, 2 nights sem-ender. kagaya ng dati, lahat ng oras ko para lang kay michelle. natatandaan ko nung first night natin, sabi mo masakit ulo mo. dati madalas kitang i-massage. sabi mo pa nga relaxing ang massage ko. so sabi ko, after i massaged michelle, i'll give you one as well. you just smiled and went to bed. when i was done massaging her, i asked you if you want one but you refused. you said you'll just go back to sleep. so i went to my room. moments after, i saw you outside by yourself. you look so sad, even looked like you were crying. i asked you if you're okay. sabi mo lang, "oo naman. ako pa. sige na, join them sa taas. they're having fun." sumunod naman ako. not really caring if you need me then. when we were on our way back to manila, you gave me a card. it said you missed me. and at the end, it says " i love you bro." alam ko i've forgotten about you, and my promise that i'll take care of you. kaso gago talaga bro mo. i read it pero wala pa rin akong ginawa.
hanggang sa dumating ang time na nagkakalabuan kami ni michelle. nahihirapan ako sa mga subjects ko. lalo na sa statistics. buti na lang pareho tayo ng teacher. may kasama na ko mag-aral. may karamay. at tulad ng dati, ikaw na naman ang kwentuhan ko ng mga problema ko. nun ko narealize na napabayaan ko pala friendship natin. nagsorry ako sa yo. you just smiled and says it okay. i vowed to make it up to you. tumawa ka lang.
nang mga time na to, magulo kami ni michelle. at may nakilala akong isa pang kaibigan, si clarisse. nakilala ko sya sa email. sabi nya like daw nya ko. syempre, sabi ko "well, i'm taken but we can be friends." so ayun, naging email friends kami. then textmates, eventually phone buddy. but i never met her in person. she sounded like you. i told you i have a friend whose voice sounds like yours and who laughs like you do. sabi mo lang namimiss lang kita... ewan ko pero i started really liking clarisse. i know unfair kay michelle but i could talk to clarisse the way i use to talk with michelle and you. siguro yun ang reason kaya tumagal ang kalokohan na yun. i even told her i love her, but that i just can't have a relationship with her. during this time, my friendship with you was almost how it was before. but i never told you how things are with clarisse... i guesss having a girl came up to me saying she cares about me just changed me. lumaki siguro ulo ko. di naman ako gwapo. at may girlfriend na ko tapos heto si clarisse, confessing her feelings for me. and she was everything i needed. she says the right words. makes me believe in myself. never demanding anything in return. the only problem is that i don't know who she is. i asked her several times to meet me in person. she always said no. saying how hard it is for her staying away trying vainly not to fall even deeper for me. and said it wont be right. it would be unfair to michelle.
time flew, clarisse stopped writing and ended everything. i didn't looked for her. i was so busy looking for work. michelle is still my girlfriend. i lost touched with you again. and then i found out that you my sister, khristine and my friend clarisse are but one person...i didn't know how to react. didn't know what to say. i actually said nasty words when i found out. hurtful ones. i even accussed you that you planned everything to play with my feelings. all those time you were in love with me. and i didn't even noticed. or didn't care. after learning its you, i cut off all communications with you. never replying to your emails, or responding to your text messages. you apologized so many times and yet i kept my silence.
we haven't really talked about it. but months after i found out, we saw each other with our other friends. i treated you as if nothing happened. called you sis again. by this time, i've broken up with michelle. you treated me differently, like there's a wall between us. pag-uwi ko may text ka na. sabi mo "thanks for still treating me as a friend after what happened. i'm really sorry if i hurt you." sabi ko lang, "you're welcome. let's go out sometimes and talk about it." pero gago talaga etong friend mo, di ko na naman ginawa yun. we've seen each other many times after that. me pretending nothing happened between us, and you, well, minsan napapansin ko parang di mo alam how to treat me. or how to act around me. sa totoo lang, sana di na lang nangyari lahat yun. para ikaw pa rin yung khristine na friend ko. my dear sis... andami kong maling ginawa. hindi lang naman ikaw ang dapat mag-sorry. i let it all happened. pag naiisip ko, i did care for clarisse. yun nga lang girlfriend ko si michelle nun. at di ko kagad nalaman na ikaw yun.
kung nalaman ko kaya ang feelings mo bago naging kami ni michelle, ano kaya ginawa ko? i'm so sorry for hurting you, for all the nasty words i said. for not returning your feelings. minahal naman kita kristine. mali lang siguro talaga ang sitwasyon. ngayon, di na tayo nag-uusap. di ko alam kung pano natin mababalik yung dati. yung sis kita at bro mo ko. namimiss na kasi kita. namimiss ko yung mga texts mo. yung mga phone conversations natin. namimiss ko yung friend ko. come to think of it, the last time our group met for for dinner, you asked for their numbers and gave them yours; but you never asked for mine. i don't know who else knew about our past. but i know you're over me now. and it seems that when you got over me, you forgot about our friendship as well. di naman kita masisisi. sana lang talaga maging friends tayo ulet. i promise to take better care of you... sana di na lang ako minahal mo...
*************
this is a real story. the guy's point of view on what happened between him and his "sister." ayan po, may explanation na...
daneli's whining
|12:58 AM|
6 angel/s dropped by
` 12:57 AM
Ayan ka na naman… tinatanong ako kung ano tayo. Pero hanggang ngayon di ko pa rin masabi. Pwede bang ganito na lang, parang magkaibigan pero parang magboyfriend. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang maidadagdag sa relationship natin kung maging "tayo” samantalang lahat naman ng ginagawa ng “tayo” ginagawa natin.
Sabi mo hindi mo ako maintindihan. Nahihirapan ka kasi hindi mo nga alam kung ano tayo. Sabi ko sa 'yo, hindi ko pa kayang mahalin ka ngayon. Pwede bang bukas na lang? Di ko pa kasi kaya ang seryosong relasyon pero alam ko kung may seseryosohin ako ikaw na yun.
Sabi mo mahal mo ako, hindi ko alam kung sasabihin ko din bang mahal kita. Natatakot kasi ako, oo, takot na takot kasi alam ko na pag naging tayo baka masaktan lang kita. Na baka pag sinabi kong mahal kita lalo ka lang umasa na kaya ko ibigay sa iyo lahat ng gusto mo. Alam kong mas sasaya ka sa iba pero ako pa rin ang pinili mo. Pero natatakot din ako na baka dumating yung araw na hindi mo na ako tanungin kung ano ba tayo. Yung araw na mapagod ka na sa paghihintay at wala ka na rin lakas sabihing mahal mo pa rin ako.
Sabi mo gusto mo ngayon na hindi bukas. Pinilit kong ibahin yung usapan. Hinawakan ko ang kamay mo at umasa ako na maramdaman mo kung gaano ka kaimportante sa akin. Hindi ka na kumibo. Hindi ka na nagpumilit itanong ang mga bagay na ayaw ko sagutin. Akala ko tapos na at nalusutan ko na naman ang ganitong sitwasyon sa ating dalawa. Bigla kang tumayo at inalis ang pagkahawak ko sa kamay mo. Pagtalikod mo, napansin kong may kumikislap sa iyong mga mata. Mga luha ba yung nakita ko? Ngayon lang kitang nakitang umiiyak. Papalayo ka na sa akin. Patungo sa hindi ko alam kung saan. Unti- unti... hanggang sa hindi na kita makita.
...napaisip tuloy ako. Sige, ngayon na… mamahalin kita mas higit pa sa pagmamahal mo sa akin…ngayon at bukas.
...pero nasaan ka na?
****************
a friend wrote this. copied it from her blog...
daneli's whining
|12:57 AM|
3 angel/s dropped by